Posted 1 hour ago with 3148 notes

yanilavigne:

via yanilavigne

Posted 1 hour ago with 2755 notes

I’m hungry. Should I eat or should I go to sleep instead? 

HAHAHAHA SOOO DAMN EFFIN’ HARD TO DECIDE! Lol :(

Posted 1 day ago with 1 notes

(Source: leilockheart, via quotesrus)

Posted 1 day ago with 3150 notes

(Source: lovequotesrus, via quotesrus)

Posted 1 day ago with 5172 notes
EWAN.

Hindi ko alam kung ano bang magandang Title e. Haha..

Kakauwi ko lang.

Nagpunta ko sa graduation party ng elementary classmate ko. Actually ayun yung taong bonggang katunggali/kalaban ko sa first honor nung elementary ako. Hahaha. Ewan ba. Napakabig deal sakanila yun nung mga panahon na yun. Basta ako wala akong pakialam sa kanila, basta mag-aaral ako. Haha.

Kaninang umaga.. Taekwondo Promotion ni Karl for Hi-Blue Belt sa Gym ni Coach Kitoy sa Paco, Manila. Nag-enjoy naman ako. Yun nga lang wala dun yung crush ko na black belter na hawak ni Coach e. Pero ok lang :)

So yun.. Pag-uwi namin natulog muna ako kasi sarap matulog. Malamiiig :)

Mga 5pm nagising na ako. Nagtext na ako sa mga classmates ko kung pupunta sila .. Sinundo ako nung isa kong classmate tapos yung isa hinintay namin. Bali 3 lang kami na magkakasama.

Kain, kwentuhan, videoke.. Medyo maaga umuwi yung mga HighSchool classmates nun may party. So kaming 3 nalang naiwan tapos sya. Ako lang babae actually. 3 guys ang kasama ko. Ah I mean ALL BOYS kami. ECHOS.

After umuwi nung mga hs classmates nya nasolo na namin ung videoke.. Kanta galore na kami. Hahaha.

Yung isang dun sa 3 guys na yun.. Hmmm? I dunno, sabi nya he likes me DAW. Ako naman natatawa nalang. Hindi naman kanina yung unang beses na sinabi nya yun sakin. Simula nung nagreunion kami after 7years.. Ayun dun na sya nagsimula. Pero ang alam ko elementary palang kami “crush” na ako nun. Di ako naniniwala kasi tsura ko naman nung elem ako nu. Ewww. Hahahahahahahha. WORST! :D

Pangalawang get together namin medyo sakto lang.. Kinukulit lang ako ng konti pero di sya lumalapit sakin. Nahuhuli ko lang na nakatingin, tapos pag-uwi. Nagtext sakin. Seryoso si Kuya. Kala ko dala lang ng kalasingan.. Nag-inom kasi mga boys nun.. Basta may mga sinabi sya na tinawanan ko lang. Hindi ko naman kasi alam kung seryoso o joke time.. Keri lang.

Tapos kanina.. Naglolokohan nanaman.. Pero para sakin joke time lang yun ah. Ewan lang sa kanya.. Edi seryoso kami sa pag vivideoke.. Ewan ko ba basta binulungan ako.. Kung pwede daw ba syang manligaw. Edi ako just what I usually do, HAGALPAK AKO NG TAWA. Hahaha. Tapos yung dalawa natawa na din..

  • Classmate 1 : Seryoso ako. Ano nga? Pwede ba?
  • Ako : Hahahahaha. Ewan ko sayo. Tigilan mo ko. :))
  • Classmate 1 : (talking to our other 2 classmates) Ah! Akala ata neto nagjojoke ako oh.. 
  • Other 2 Classmates : (laughing, nakatingin lang samin tapos yung isa kumakanta :)) )
  • Classmate 1 : (tumayo sa kunauupuhan, tabi kasi kami sa couch sabay luhod sa harap ko.. Kinuha kamay ko.) Ano????? PWEDE BA KO MANLIGAW??
  • Ako : Leche ka. HAhahahaha! Tumayo ka dyan! Bwiset! HAHAHAHA (hila sa kanya pabalik ng upuan)
  • Classmate 1 : Seryoso nga kasi ayaw maniwala nito. Lahat nalang ginagawang joke e nu.
  • Ako : Muka ka kasing joketime. :) hahah echos.
  • Classmate 2 : Payagan mo na kasi. 
  • AKo : Tigilan nyo ko bwiset kayo :)))

Hanggang bago kami umuwi kinukulit nya ako kung ano daw ba.. Sagot ko..:

Ano din??! HAHAH! IYAK KA MUNA :D

Ang sama ko lng e nu? haha wolo.. Ganun talaga. Wala akong plano sa ganyan muna. :) Unless makita ko yung sincerity nung tao. Pero di parin e. Hahah HINDI TALAGA. :)

Habang naglalakad kami pauwi.. Kasabay ko maglakad yung classmate ko na sumundo sakin sa bahay.. Kasi si classmate1 e may dalang motor. Ayaw namin umangkas ni classmate2. Kaya naglakad nalang kami.. 

  • Classmate 2 : Bakit ba ayaw mo kay classmate1?
  • Ako : Haha. Loko pinagtutulungan nyo ko.
  • Classmate 2 : Seryoso yun sayo. Pramis. Di ba nung magkatext kami.
  • Ako : Hahahaha. Ewan. :)
  • Classmate 2 : Hindi naman nagjojoketime yun e.
  • Ako : Bahala kayo sa mga buhay nyo. Hahahaha

E ayun.. Gwapo naman si classmate.. Mabait.. Mas matangkad sakin? May kaputian din naman.. Pero yun nga lang.. Hahaha. Natatawa lang talaga ako pag yung bagay na yun ang pinaguusapan e.. Ewan ba. Siguro kasi alam ko na pinagttripan lang nila ako :) hahaha. Buwiseeet. Osya .. DIto nalang NOBELA nanamn :D GOODNIGHT

Posted 1 day ago with 1 notes

Posted 1 day ago with 37969 notes

Posted 1 day ago with 37919 notes
My JUNE 1 year 2012.

I started my june 1 washing the dishes. Haha. Yeaaah. Ako pala ang nakaassign na maghugas ng plato last night. Pero plakda ako pagdating ko galing school kaya ayun.. Ampetcha na ako nagising. Akala ko nga mga alas tres na yun e. Pero pagtingin ko sa oras magaala-una palang pala.

So ayun.. Naghugas muna ako ng plato at saka na kumain. Pag akyat ko sa kwarto ko medyo nagtext pa ako saglit since buhay na buhay pa yung diwa ng katext ko.. Tapos maya-maya nagsabi na ako na kung pwede na ba ako matulog ulit. Hindi ko na binasa reply nya kasi ayaw na dumilat ng mata ko at ayaw na din kumilos ng mata ko, kaya nakatulog na ako agad.

Mga 7:45am.. Kumatok na si Papa.. Nagtatanong kung papasok daw ba ako sa trabaho ngayon. Sabi ko naman oo. Pinatay ko yung electric fan kasi malamig, nahiga ng ilang minuto tapos bumangon na din para maligo.

Pagdating sa office.. Parang wala lang.. Ayos lang. Act naturally. Haha. Maya-maya nung napansin na nila na andun na ako.. Ayan na sila..

“Oh antagal mong nawala. Napano ka?”

“Uy andito ka na..”

“San ka naglamyarda? Tagal mo di pumasok ah.”

“Andito ka na.. Namiss ka ng boys, anak”

Hahaha namiss lang nila ako.. :)) tatlong araw kasi ako di pumasok.. Mula tuesday hanggang thursday. Potek naman kasi, andami ko pang inayos sa school. Buti natapos na ako kahapon.

Nung nakita ako ni Jojo maya-maya tinanong ako kung kaya ko daw ba ayusin yung isang pc. Ayaw kasi magstart-up.. Ginawa ko naman ang lahat ng aking makakaya pero WALEEEY di keri ng powers ko. Arki naman kasi ako hindi ako IT o Computer Technician. Hahaha. 

So ayun. Sira yung pc so wala kaming soundtrip. Buti dala ko yung mp3 ayun may kulay ang buhay namin kasi may music.

10am palang ata o 11, umuwi na sila Papa. Kasi si Karl nilalagnat, nagsuka pa. Kadiri lang e.. Pinapalinis sakin ni Papa. EWWWWWWWWW! Ayoko nga. Bahala kayo dyan. Hahaha. 

Wala naman ako masyadong gawa kanina.. Nagemail, nag-fax, gumawa ng panibagong cash voucher sa ibang trabahador, sagot ng telepono.. Tapos wala. Nganga.

Mga 3pm umalis si Ate Neng (sya yung secretary/treasurer ng company. Malou talaga pangalan nya pero tawag sakanya minsan Banang, Bunny, Nengneng, Ms. Malou o kung ano pa man. Basta Ate Neng tawag ko sa kanya.) ipapacheck-up daw yung anak nya.

E wala din dun yung Gen.Manager, wala din si Jerome.. Wala din si Aldrine.. So ang naiwan lang ako, si Jojo, si Lance at si Jonnel (yung cook)

Ang nasa loob lang ng office kaming tatlo nila Jojo at Lance.. Una namomroblema si Jojo kasi ayaw maopen nung file galing sa shopwise.

Hapon na yun, gutom na ako. Lumabas ako saglit bumili ng biscuit. Tapos nung ubos na pagkain ko nagkakalkal ako sa drawer ni Papa.. Naisipan ko magkape..

  • Ako : Jo, gusto mo kape?
  • Jojo : Oba. Sige.
  • Ako : Srsly? Ipagtitimpla kita ng kape? Ay ANEP ah!
  • Jojo : Sige na. Okay lang yan. Maeevict ka naman na next week e.
  • Ako : Yeahright. Pasalamat ka last week ko na next week. Pero seryoso? Gusto mo talaga?
  • Jojo : Oo nga ang kulit ah.
  • Ako : Kdot.

Ayun nagtimpla na ako ng kape. Tapos may kanya-kanya kaming buhay.. Di ko alam kung pano pero basta magkakasama na kaming 3 sa cubicle nila Papa. Nagkukwentuhan. Habang kumakain sila ng biscuit nila. Mga kalokohan nung mga bata pa sa pagkain.. Yung kanin na may gatas daw, toyo at mantika na pinagprituhan ang ulam.. Ah basta mga ganung bagay.. Dami pa namin napagkwentuhan.

Tapos ewan ko kung anong trip ko bigla akong nagtanong kung anong height nila at kung ano kaya ang height ko. Tapos ayun nagsukatan kami ng height. Haha. Magkakaedad lang naman kami kaya swak pa yung trip ng isa’t-isa.

Kung ilan ang height ko di ko na sasabihin. Hahaha! After magsukat ng height di ko na matandaan kung ano pa ginawa namin.. Nagkwentuhan ulit.. Tapos mga 5:15pm umuwi na ako kasi baka tamarin na ako umuwi kapag inabutan ako ng dilim.

SOOOOOOOOOOOOOOO… Ok naman ang June 1 ko. Last week ko na sa trabaho next week. Better enjoy the best of it na. I’ll miss them alot for sure. :)

Osya. I’ll sleep na. May promotion si Karl sa taekwondo bukas for Red-Low Belt ata.  Red ba o Brown? Ano ba mas una? Haha Ah ewan. Basta ayun na yun. Haha . Antoks na ako.. GOOOOODNIGHTY! :)

Posted 2 days ago
I am just too tired of everything that’s happening right now.
Posted 3 days ago with 1 notes

If only I could.

If only I could.

(via asdfghjkllove)

Posted 3 days ago with 6514 notes

Posted 3 days ago with 6545 notes
Ambilis ng tibok ng puso ko.

Kakauwi ko lang.

Pag-galing ko kasi kanina sa office dumirecho ako ng Market. Wala naman sa plano ko talaga, pero nung patawid na ako may nakita ako na jeep “Market PAPASOK” edi sumakay na ako.

Wala. Namili lang ng toiletries at isang plain white shirt.

After ko maggrocery naisipan kong kumain kasi nagugutom ako. Umakyat ako sa second floor. Naglalakad ako papunta sa KFC nung may nakita akong babae sa may Watsons at parang pamilyar medyo tinitigan ko tapos.. Taposss… BOOOOOOOM! Girlfriend pala nung Ex ko. Haha at andun din sa may tapat ng KFC yung ex ko since magkatabi lang ang KFC at Watsons. Edi benggaaaa! Hahahahaha. Wala. Deadma lang ako. Medyo nangatog laman ko. Diredirecho ako sa may counter para umorder.. Tapos kumain.

After ko kumain bumaba na ako. Bumili ng crispy chicken skin at umuwi na.

Himala nga e. Hindi ako dumaan sa CR. Hindi din nagsuklay. Hahaha.

Tapos nasa byahe na nung biglang pumutok yung gulong ng jeep na sinasakyan ko. Beeeng! Buti nalang hindi gaanong mabilis takbo nu kuya driver at walang masyadong kasabayang sasakyan kundi.. Nako. Malamang nasa ospital ako sa mga oras na to. Sa harapan ng jeep pa naman ako nakaupo. Buti nalang at namaintain ni kuya driver yung control nya sa jeep at naitabi naman ng matiwasay. Lumipat nalang kami ng jeep at ayun. Nakauwi naman ako ng maayos.

Ayaw na ata ako pag-enrollin bukas ng tadhana. Gusto na ata akong patayin. Ewan. Hindi maganda kutob ko. Feeling ko may something na mangyayari na hindi ko magugustuhan. Nakakaiyak. Feeling ko magugunaw mundo ko bukas lalo na tapos na magenroll mga kaibigan ko.

Wala. Ang sakit lang sa puso. Kasi alam mo yung feeling na wala manlang kahit isa sa kanila na magvolunteer na samahan ako bukas kahit na alam nila yung sitwasyon mo? Bahala na. Hindi ko alam kung kakayanin ko ayusin yung mga dapat ayusin mag-isa bukas. Ngayon palang naiiyak na ako. Ano pa kaya bukas? E malamang after mag-enroll ng mga kasabay ko e aalis na din sila?

Ewan. Hindi ko alam. Hirap lang e, sana natuluyan nalang kanina para tapos ang problema. Tapos ang buhay. Ba-bye kamille anne na. Masaya pa sana. 

Bahala na bukas. Gooooodluck nalang sakin. Kakayanin hanggang kaya. Sana wag bumigay loob ko. Sana.

Posted 1 week ago
Just as I expected ..

Hahaha e ayun nga. TAMA. TAMA yung naisip kong iisipin una palang :D Ang husay ko lang talaga. Sana nagpsych nalang ako. Wuhahaha.

That’s exactly what I am expecting na mangyayari simula’t sapul palang. Atleast I know i’ve tried. Pero wala talaga e. Hahaha. If you didn’t get my point in doing that it’s not my problem anymore. Opinion mo yan. Buhay mo yan. Utak mo yan. Nasayo yan.

Ang mahalaga alam ko sa sarili ko na tama yung ginawa ko. Hindi ako nagkulang sa pagpapaalala, sa pag-iisip bago ko ginawa yung desisyon na yun. 

Hahaha. It’s funny how I get toooooo sensitive with what other people think or SAY about me. Ewan ba. Haha. Parang bigla tuloy sarap maglaho. Nadagdagan nanaman iniisip ko. Haha.

Parang gusto ko na ulit bumalik dun sa dating ako. Yung ako na ilap sa mga tao sa paligid ko. Yung hindi friendly.. May sariling mundo. Yung ako lang. Kasi tahimik buhay ko kapag ganun. Namimiss ko na yung buhay ko na tahimik. Yung hindi naiinvolve sa kahit na sino sa paligid ko. Yung ako lang talaga. TAHIMIK. HINDI MAGULO. PAYAPA. MALAYANG NAGAGAWA LAHAT NG GUSTO KO KASI WALA AKONG PAKIALAM SA MGA TAO KASI HINDI NAMAN NILA AKO KILALA. Pero ngayon iba na e. Ibang iba na. Pinagulo ko lang buhay ko. Kasalanan ko din naman. Masyado akong mabait sa mga tao. Ayan tuloy ngayon sira buhay ko lalo.

Bwiseeeet na yan. Pero seriously.. WALA TALAGA ANG LABLAYP SA MGA PINOPROBLEMA KO NGAYON. Masyado kasing madami problema ko sa PAMILYA, KAIBIGAN, SCHOOL at sa SARILI ko. 

Ayoko na munang DAGDAGAN LAHAAAAAAAAAAT ng iniisip ko ngayon. Syet lang pakiramdam ko nga konti nalang mapa-praning na talaga ako sa dami ng iniisip ko ngayon. Tapos dadagdagan ko pa ng lablayp?? TANGINA NAMAN DI BA . After 5years ngayon nalang ulit ako naging single tapos lablayp nanaman??

Di ako ganun kahapit magkaboypren. Actually di na nga ako umaasa na makakapag-asawa pa ako sa dami ng responsibilidad ko sa pamilya ko. Ni hindi ko alam kung afford ko pa ba talagang magmahal ulit kasi sa ngayon talagang wala pa sa plano ko. Hindi pa kaya. HINDI TALAGA.

Kung yung about naman kay special friend ang ipamumuka nila sakin.. ABA ibang usapan na yan. Porket close kami? Porket special sya sakin jojowain ko na? HAHAHA! E PUTANGINA. Ewan ko sa inyo. Isipin nyo lahat ng gusto nyong isipin about saming dalawa. Haha di ko problema yun. Basta ako napapanindigan ko yung sinabi ko na WALA MUNANG LABLAYP. Di pa kaya. Wala sa plano. AYOKO MUNA.

Actually ngayon nga na nararamdaman kong nagiging super maeffort na si special friend sakin eh natatakot ako e. Baka mamaya magulat nalang ako isang araw sabihin nun sakin na ano. PAKTAY di ko alam gagawin ko. Malamang sa malamang iiwasan ko sya nun. AYOKO NGA KASI! AYOKO. AYOKO. AYOKO. Ayoko masira lahat ng pinagsamahan namin. Pero alam ko na kapag dumating yung araw na yun… Baka iwasan ko nga sya. 

It’s better that you leave things unsaid, than tell them to me. Ayokong makarinig ng kahit anong tungkol sa love na yan. AYOKO. Mas ok ako sa ganito. Pakiramdaman. Walang binibitawang salita, promises or everything. Gusto ko ganito lang. Enjoy lang. Go with the flow.. Come what may. 

Ah basta. NAKAKATAKOT ISIPIN NA BAKA PATI SYA MA-FALL SAKIN. Ngayon palang sinasabi ko na din na WALANG KASIGURADUHAN NA MASASALO KO SYA DAHIL HINDI KO PA KAYA. HINDI PA TALAGA. HINDING HINDI. Alam naman siguro nya yun. Haaay ewan ba. Ayoko na nga isipin. Nakakabaliw lang. 

BAHALA NA. Lalong bumibigat pakiramdam ko e. NAPAKABIGAT. Sarap mag-suicide. Pero masama yun e. Hindi tama. Kasalanan yun. Hahaha. Pati MASAKIT. Hahah. Ewan. EWAN EWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN! Si lord na bahala sakin. Matutulog na ako. Antok na e. Goodmorning.

Posted 1 week ago with 2 notes

(Source: lovequotesrus, via quotesrus)

Posted 1 week ago with 22988 notes
Home Ask Archive Tags Facebook Twitter My Photo Blog Theme ← Older
Vanity and Greed
Design by Athenability
Powered by Tumblr